Saturday, September 10, 2011

Sarah Geronimo will not transfer to another Network, She remain as Kapamilya!





Pipirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si Sarah Geronimo anytime now. Mismong ang manager niyang si Mr. Vic del Rosario ng Viva Group of Companies ang nagbanggit nang makatsika ko last Thursday night.

Bukod sa renewal ng contract ng pop princess sa Kapamilya Network, confirmed din na sisimulan na niya ang sariling show sa ABS-CBN. “Once a week show. Maganda ang concept, maaaliw ang mga viewers,” sabi ni Boss Vic.

Bukod sa solo show, sinisimulan na rin ni Sarah ang movie with Gerald Anderson na sequel sa kanilang super successful na pelikulang Catch Me, I’m In Love.

At next year na sabi ni Boss Vic gagawin nina Sarah at John Lloyd Cruz ang reunion movie nila. Valentine ang target date ng movie.

October naman ang target playdate ng Sarah-Gerald na kasalukuyan na ngang sino-shooting.

Bukod kay Sarah, naka-schedule din mag-renew ng contract sa Kapamilya Network sina Anne Curtis and Cristine Reyes na parehong alaga ng Viva.

Samantala, ibinalita rin niya na siya na uli ang manager ni Megastar Sharon Cuneta. Yup, verbally ay nag-usap na sila sabi ni Mr. Del Rosario. In fact, nai-announce na raw ni Sharon sa ABS-CBN ang kanilang agreement.

Kung tutuusin sa Viva naman talaga nagsi­mula si Sharon. Naalala pa ni Boss Vic kung paano niya itong inalagaan sa pelikula at mga concert dito sa Pilipinas at sa abroad. Ang Viva rin ang gumawa ng mga album ni Sharon noon.

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search