Wednesday, June 6, 2012

TV5 Launching sa Amerika, 'di masyadong dinumog dahil tinapatan ng ABS-CBN


SA ginanap na TV5 launching sa Amerika ay nagpadala sa amin ng text message ang taga-Singko.

“TV5 launch was successful at the Shrine Auditorium last Saturday (May 26) and we had 5000 people in attendance.

“6,200 ang seating capacity. The reception kay Willie (Revillame) was still very warm. 

“Daming lolas, mommys, pero ang nakakalungkot tinapatan kami ng ABS-CBN sa Carson City sila, pero according to the media who covered it, wala masyadong nakarating so lumipat sila sa ‘Wil Time’.

“Wish nga ng mga Pinoy sana ‘di na lang tumapat para nakapanood sila ng parehong shows.

“Last Saturday (Hunyo 2) ang launch sa San Francisco, sa Bill Graham Theater. Tinapatan na naman ng show ng ABS-CBN sa Vallejo, then Friday (Hunyo 1), dumating si MVP (Manny V. Pangilinan) para mag-contract signing dito with Dish, ‘yong partner namin.

“Ask naman your readers to subscribe to dish ha? and your relatives, masaya si Willie. Nagpunta sila sa Las Vegas rehearsals sila. We brought 13 dancers. pero mga 60 people yata ang lumipad all in all. Okay naman. masaya.”

May mga binanggit pa sa amin ang taga-TV5 na hindi naman daw lahat ng shows nila ay punumpuno dahil marami pa rin daw loyal sa ABS-CBN na TFC subscribers.

At least mapapanood na sa ibang bansa ang mga programa ng TV5 lalo na ang mga serye nila na hindi raw kilala ang mga artista ng mga kamag-anak, kaibigan, at kaklase namin. 

SOURCE: Hataw Tabloid
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search