Saturday, June 9, 2012

'Si Agimat, Si Enteng And Me' ang MMFF entry ni Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos


Mga malalaking pelikula ang isinumite sa Metro Manila Film Festival(MMFF) at isa na rito ang pagsasamahan nina Sen.Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto. Kasama na nila rito siJudy Ann Santos kaya ang title ay Si Agimat, si Enteng, and Me.

Napapayag na si Judy Ann na tanggapin ito pero gusto lang nitong ayusin kung ano talaga ang role niya sa pelikulang ito dahil ang original naman na makakasama nina Sen. Bong at Bossing Vic ay si Ai Ai delas Alas.

Meron ding entry ang Unitel na pagbibidahan ni Ryan Agoncillo. Pero ang narinig namin kung matutuloy si Judy Ann, ayaw na muna ni Ryan na gumawa ng pang-MMFF at ayaw nitong kalabanin ang asawa niya.
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search