PABONGGAHAN ng reality contest ang ABS-CBN 2, GMA 7 at TV5.
Ang Kapamilya Network ay may SINGING contest na The X Factor Philippines.
Iho-host ito ni KC Concepcion, at judges-mentors dito sina Charice, Pilita Corrales, Martin Nievera at Gary Valenciano.
Nagpa-audition sila sa Cebu City (Mayo 16 at 17), Davao del Sur (Mayo 23 at 24) at PAGCOR Theater Parañaque (Mayo 30 at 31, Hunyo 1).
Ang contestants dito ay mga Pinoy na 13 y/o or older – solo, duet o grupo.
Malapit na itong umere sa ABS-CBN
***
Ang Kapuso Network ay merong Protégé: The Battle for the Big Artista Break.
Iho-host ito nina Dingdong Dantes at Carla Abellana.
Mentors dito sina Gina Alajar, Jolina Magdangal, Phillip Salvador, Ricky Davao at Roderick Paulate.
Noong Mayo 26 sila nagsimulang magpa-audition sa SM Naga. 10:00 AM-6:00 PM ang iba pang Protégé Call-Out sa mga sumusunod na petsa at lugar…
Hunyo 10: SM Sucat
Hunyo 14: SM Batangas
Hunyo 16: SM Pampanga
Hunyo 18 at 19: SM Mall of Asia
Open ang paligsahan sa mga lalaki at babaeng Pinoy, 13-21 y/o at artistahin.
Ang aplikante ay dapat magdala ng original at photocopy birth certificate at dalawang recent photos (isang close-up at isang full body shot).
Iyong below 18 y/o ay dapat may written consent mula sa kanilang parents, kalakip ang original at photocopy ng parent’s valid ID.
Maghanda ng dalawang 2-minute performances sa audition (sing, dance, rap, beat box, act, play musical instruments, or any extraordinary performances)
***
Ang Kapatid Network ay merong Artista Academy.
Principal ng Academy si Wilma Galvante, at katuwang niya sa pagpapatakbo nito si Direk Mac Alejandre na pinuno ng TV5 Talent Center.
Kabilang sa teachers ng Academy sina Direk Joel Lamangan, Louie Ocampo at Georcelle Dapat.
Ang ‘entrance exam’ (auditions) ay sa Hunyo 19 simula 2:00 PM sa Araneta Coliseum.
Ang aplikante ay dapat 16-21 y/o, artistahin, walang kontrata sa ibang TV network, at pwedeng magtrabaho sa Pilipinas.
Dapat magdala ang aplikante ng kopya ng birth certificate, valid ID at best glam pictures.
Labing-anim (16) na scholars ang pipiliin, na papasok Lunes hanggang Biyernes sa Artista Academty, at may kani-kanyang report card.
Sa finale ay dalawa ang tatanghaling panalo, Best Actor at Best Actress.
Kapwa sila tatanggap ng P1M cash, P5M worth of contract, bagong kotse, condo unit, lead role sa teleserye, among others.
Mahigit P20M ang papremyo sa winners!
Lahat ng darating sa auditions sa Big Dome ay ia-accommodate, kesehodang abutin sila nang 12:00 MN.
“We are all excited with the launch of Artista Academy because this really tops all artista searches that have been done in the country.
“We are offering real training in a real academy for our future stars. No other program has offered such school-based learning and development from an academy of television arts.
“And, of course, it will be a real life-changing experience for not just one but two students because we are giving away P20M worth of prizes, including lead roles in a forthcoming teleserye of the network.
“This is real fame, fortune, and stardom. This is as real as it can get,” ani TV5 Creative and Entertainment Production Head Perci Intalan.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!