Saturday, June 9, 2012

Dahil talo sa 'Sarah G. Live', Show ni Ogie at Bitoy nilipat ng oras!


SIMULA noong Linggo ay inilipat na ng GMA ang oras ng talk show nina Ogie Alcasid at Michael V. Tuwing 9:00 p.m. na mapapanood ang bagong talk show ng Siete na kung papansinin mo ay halos gaya-gaya sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Ayon sa aming source, nagdesisyon ang Siete na ilipat ang oras ng show nina Bitoy at Ogie dahil natatalo na sila sa ratings kontra sa Sarah G Live! ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.


Inilipat din ng GMA ang oras ng show ni Richard Gutierrez kasabay sa oras ng Sarah G Live at ngExtreme Makeover Home Edition ng TV5 na host si Paolo Bediones na dating taga-Siete.

Katapat naman ng show nina Ogie at Michael ang PBB Teen Edition ng Dos at ang mga movie ng TV5 na isinalin sa Tagalog.
Sa episode ng show nina Ogie at Michael noong Linggo ay may ginawa silang spoof kina Jessica Sanchez at Jennifer Holliday. Sa totoo lang, nakakasawa na ang spoof na iyon kasi ginawa na iyon ngBanana Split ng Dos noong Sabado.

Talagang kawawa sina Bitoy at Ogie sa show na ito dahil kahit maganda ang concept, sayang lang ang ginagawa nila kung gagayahin nila ang Banana Split at Gandang Gabi Vice.

Mas entertaining ang show ni Vice dahil mas marunong siyang mag-host at nakaaaliw ang mga guest niya sa mga nakaraang episode tulad nina Mon Tulfo, Sen. Jinggoy Estrada, Alvin Patrimonio, at Angeline Quinto. 

Buti na lang at hindi magkatapat ang show nina Ogie at Michael sa GGV dahil kung mangyayari ito, siguradong panalo ang GGV sa ratings. Nakaka-turn-off din sa amin ang mga pelikulang James Bond tuwing Linggo sa SNBO ng Siete na isinalin din sa Tagalog tulad ng mga pelikulang Ingles ng Singko.

SOURCE: James Ty III of Hataw
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

2 comments:

  1. laos na kc nag syete eh

    ReplyDelete
  2. mga trying hard kc,,,,

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search