Wednesday, February 1, 2012

ABS-CBN Execs say NO to Claudine Barretto


MAY spy kami sa ABS-CBN na nagbigay ng info na tahasang tinanggihan ng kanilang management si Claudine Barretto.
May ipinadala palang emisaryo si Claudine sa isa sa mga Kapamilya big boss at ang mensahe ay kung puwede raw na gumawa ulit ng proyekto ang aktres sa ABS-CBN.

Isang malaking NO raw ang sagot ng executive, at idinagdag pa na halos lahat silang execs ng Dos ay walang balak na makatrabaho uli ito.

Ayon pa sa spy namin, lalong natulig ang inutusan ni Claudine dahil nagdayalog pa raw ang nakausap na executive na maaaring tanggapin ng network ang ibang mga dating Kapamilya na lumipat ng istasyon pero hindi raw mangyayari ‘yun sa aktres, huh!

Bumalik na sa Dos at napapanood na sa Lumayo Ka Man Sa Akin si Patrick Garcia. Si Marvin Agustin naman ay nababalita na maaaring gumawa ng isang proyekto sa Star Cinema.
Wala ring plano ang Star Cinema na isama si Claudine sa kanilang produksiyon. Mataray pa ngang komento ng nakausap naming taga-Star Cinema, kahit “bit role” ay hindi nila kukunin dating isa sa paborito nilang aktres. Our spy said na malalim ang dahilan kung bakit hindi basta-basta makakabalik si Caludine sa dating home network.

Incidentally, may ginagawa pa rin namang proyekto sa GMA si Claudine, pero wala nasusulat din na wala na ring balak ang Kapuso network na i-renew ang kontrata niya.

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

6 comments:

  1. DAPAT LNG YAN SA KANYA!!! WLANG UTANG NA LOOB! MAGDUSA SIYA SA GMA NA YAN

    ReplyDelete
  2. oi mukang okay d2 ah! keep it up guys! abwt claud,ewan ko sa'yo ineng...kung hindi ka sana nag inarte, napakaganda nung magkaribal na teleserye inayawan mo...tsk,tsk,tsk!

    ReplyDelete
  3. I still admire Claudine Barretto and her brilliance in acting despite all the negative write-ups about her. For me, what's important in choosing an actress to admire and support is one who is truly gifted in acting. Claudine Barretto is an outstanding actress.

    ReplyDelete
  4. There is only one Claudine Barretto. And I will always be an avid fan of hers. She is an excellent actress.

    ReplyDelete
  5. WLANG DEBATE PAGDATING SA ACTING PROWESS NI CLAUDINE
    DAHIL MAGALING TLAGA SIYA ROON PERO NAGKAMALI SIYA NG LUMIPAT SIYA SA GMA DAHIL HINDI SIYA NAALAGAAN NG MAAYOS. HINDI SIYA NAIPAGTATANGGOL NG GMA MANAGEMENT KAPAG MAY BAD WRITE-UPS TUNGKOL SA KANYA

    ReplyDelete
  6. Ingrata kasi siya and hndi naman kawalan sa Dos pag alis nya. C claudine pa ang napariwara hehe

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search