Tuesday, August 21, 2012

Korte ibinasura ang Amparo Plea ni Raymart, Claudine Barretto vs Tulfo Brothers

IBINASURA ng isang Quezon City judge ang petisyon para sa pagpapalabas ng writ of amparo na isinampa ng mag-asawang sina Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa Tulfo brothers, at idinahilan na ang kaso ay hindi sakop ng nasabing “writ.”

Sinabi ni Judge Maria Filomena Singh ng Regional Trial Court Branch 219 na nakasaad sa batas ng writ of amparo ay “only extrajudicial killings and enforced disappearances are proper subjects of a petition.”

Sa isang kautusan na may petsang Agusto 6, ibinasura ni Singh ang petisyon at nilusaw ang temporary protective order na ipinapabas noong Mayo 24 ni Judge Bayani Vargas, na nagretiro nitong nakaraang Hulyo. Kinatigan ng court ruling ang ipinupunto na naunang nang itinaas ng counsel ni Erwin Tulfo na si Nelson Borja, na kinuwestiyon na ang writ of amparo ay para lamang sa mga kasong extrajudicial killings at enforced disappearances.

Nagsampa ang mag-asawa ng petisyon matapos na bantaan sila ng magkakapatid na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo sa kanilang television program na “T3” sa TV5 kasunod ng naganap na airport brawl na kinasangkutan ng magasawang Santiago at nakatatandang Tulfo na Mon.

Sa kanilang petisyon, hiniling ng magasawa na magtalaga para sa kanila ng police escorts at hiniling din sa korte na itigil ng Tulfo brothers ang pagbabanta sa kanilang buhay.

Noong Mayo, nagpalabas si Vargas ng isang temporary protection order na nagbabawal sa Tulfo brothers na lumapit sa mag-asawa habang dinidinig pa ang kaso.

source: remate.ph
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search