After ng Guni-Guni na ipapalabas na bukas sa mga sinehan, ang next na magsu-showing na movie ng Regal ay ang horror flick din na Pridyider, na hango sa isa sa tatlong episodes sa orihinal na Shake, Rattle & Roll.
Horror din ang nag-iisang filmfest entry ng Regal this year, ang Shake, Rattle & Roll 14.
For the first time ay isang direktor lang ang magdidirehe ng tatlong episodes nito, si Direk Chito Roño.
Tampok sa ‘Pamana’ episode nito sina Janice de Belen, Herbert Bautista at Arlene Muhlach.
Bida sa ‘Unwanted’ episode sina Vhong Navarro at Lovi Poe, habang nasa ‘Lost Command’ episode sina Dennis Trillo, Paulo Avelino, Martin del Rosario, Ella Cruz, Alex Castro at John Regala.
Sa Agosto 28 na ang simula ng shooting dito ni Direk Chito. Libre na si Direk Chito dahil hindi na matutuloy ang dapat sana’y gagawin niyang drama movie nina Kris Aquino at Piolo Pascual.
Kahapon ay tinanong namin si Kris sa Twitter kung totoong shelved na ang nasabing project.
Ang sagot sa amin ni Kris ay, “Movie’s cancelled na.”
source: abante-tonite
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!