HINDI totoong umabot sa 48% ang ratings ng Walang Hanggan at bumagsak na lang ito sa 38% tulad ng nasusulat.
Ito ang gustong iklaro ng ABS-CBN na walang katotohanan ito dahil ang pinakamataas lang na nakamit ng Walang Hanggan ay 44% lang. Sana nga raw totoong nag-48% sila para maski paano ay kaunti lang ang lamang ng Darna ni Angel Locsin na umabot ng 52% noong nasa GMA-7 pa siya.
Hindi naman itinangging bumaba nga ang ratings ng serye nina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Paulo Avelino, Melissa Ricks, Julia Montes, Ms Susan Roces, Ms Helen Gamboa, at Coco Martin na 38% dahil mas tinutukan ng taumbayan ang mga balita tungkol sa bagyong Gener at Habagat na ginawang water world ang buong Metro Manila.
Bukod dito ay brown out din ang ibang bahagi ng Metro Manila para makaiwas sa desgrasya pero nanatiling panalo pa rin ang Walang Hanggan sa katapat nitong programa sa ibang TV networks.
At hindi lang pala ang ratings game ang ginagawan ng isyu, maging ang mga bidang sina Coco at Paulo ay pinagsasabong din sa balita dahil mas sikat na raw si Nathan kaysa kay Daniel dahil sa napakagandang papel niya lalo na sa rape scene nila ni Julia bilang si Katerina na talagang nag-trending pa sa lahat ng social networking sites at maging sa ibang TV networks ay ito rin ang pinag-uusapan dahil makatotohanan daw at bagay pala sa boyfriend ni LJ Reyes ang maging rapist.
Nakakaloka nga Ateng Maricris, kung katulad daw ni Nathan ang magre-rape, eh, kusang bibigay ang mga kafatid sa panulat at ibang babaeng type na type ang aktor.
Say ng mga intriguero’t intriguera, “taob na si Coco kay Paulo, mahusay si Pao,” na hindi rin naman itinanggi ng ABS-CBN na mahusay talaga si Nathan sa role niya pero hindi pa rin nito naabot ang inabot na ni Daniel in terms of awards at recognitions sa maraming international awards na dinaluhan niya bukod pa sa isa rin siyang ganap na producer at kasama rin bilang creative consultant sa mga indie film at TV shows na ginagawa at nagawa na niya.
Unfair na ikompara si Paulo kay Coco dahil malayo pa ang tatahakin ng una at maging sa mall shows ng Walang Hanggang cast ay si Coco pa rin ang dinudumog ng tao.
At muli itong mapatutunayan sa darating na Linggo (Agosto 19) dahil nasa Davao City si Coco na maski masama ang pakiramdam ay mas pinili niyang ituloy ang mall show kaysa magpahinga dahil commitment daw niya ito sa mga tagaroon na patuloy na sumusubaybay sa serye nila.
Anyway, tuloy-tuloy na pala ang kasal nina Emily (Dawn) at Marco (Richard) base sa takbo ng kuwento ng Walang Hanggan kaya ang malaking tanong, ano na ang gagawin ni Jean (Eula Valdes) ‘pag hindi niya napigilan? Magpapakamatay ba siya o kusa ring mawawala tulad ni Rita Avila?
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!