Friday, August 17, 2012

Angelica Panganiban Galit Kay Derek Ramsay ?

Si Derek Ramsay ba ang pinatututsadahan ni Angelica Panganiban sa kanyang message sa kanyang blog?

Angelica did not name the person na kanyang pinatutungkulan sa kanyang blog message but it was very clear that they once had a relationship na tila nasira lang.


Obvious na imbiyerna si Angelica sa hindi niya pinangalanang kaaway dahil sa tono ng kanyang mga salitang ginamit.

“Tama na. Wag ka na magpanggap. May hangganan ang lahat…May hangganan ang pananahimik ko…Sobra sobra na eh…Tama na lahat ng kasinungalingan mo…Pinipilit kong intindihin kung bakit ka nagkaganyan…pero nauwi ako sa wala. Ilang pagkakataon mo na akong napaikot…Napaniwala. 

Hayaan mo nang ako na lang ang naloko mo…Wag mo nang lokohin ang natitirang tao sa paligid mo…Nakakapanghina ‘yung pagpapanggap mo tungkol sa ugali mo…Hanggang sa huling pagkakataon…Susubukan kong tuparin ang ipinangako ko. Pero pasensiyahan na lang ‘pag sukdulan na ko…Hindi bottomless ang pasensiya ko…Paalala lang…Malapit ka na sa closing time.”

Tila may pagbabanta mula kay Angelica na kapag hindi siya nakatiis ay papangalanan na niya ang kanyang nemesis.

Sinex kaya ang tinutukoy ni Angelica? Si Derek ba na ex-boyfriend niya?

source: hatawtabloid.com
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search