Kasama ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na tinatampukan ni Laguna Gov. ER Ejercito sa pitong pelikula na pinagpipilian ng isang eight-member committee na binubuo nina DirekEddie Romero, Robert Arevalo, Jose N. Carreon, William Mayo, Manny Morfe, Jess Navarro, Elwood Perez, at Gina Alajar para maging lahok ng Pilipinas na pagpipilian para sa best foreign language film category ng 85th Oscars.
Ang pito pa ay ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ni Alvin Yapan, Busong ni Aureus Solito, Segunda Mano ni Joyce Bernal, Captive ni Brillante Mendoza, A Mother’s Story ni John Lazatin,at The Witness ni Muhammad Yussuf.
Ipinadala last year ang Ang Babae sa Septic Tank na napanalunan ng A Separation ng bansang Iran. Ang awards night ng Oscars ay magaganap sa Feb. 24, 2013 pero bago ito, kailangang makapili nang ating magiging entry para makasama sa list of nominees na ilalabas sa Jan. 15 ng susunod na taon din.
segunda mano??? kris aquino pweeee
ReplyDelete