Thursday, June 28, 2012

'Showbiz Central' 'di kinaya ang 'The Buzz' kaya titigbakin na!


TOTOONG mawawala na ang Showbiz Central ng GMA 7, pero mali ang balitang hanggang sa Linggo na lang mapapanood ang showbiz talk show na ini­ho-host nina Pia Guanio, Jennylyn Mercado, John Lapus at Raymond Gutierrez.

Simula sa Linggo ay limang beses pa itong mapapanood at hindi totoong isang horror antho­logy ang pansamantalang papalit dito.

Sa halip, papalitan ito ng isang bagong talk show na iho-host ng isang singer/actress kasama ang da­lawa sa apat na hosts ng Showbiz Central.

Ayaw pang i-announce ng GMA 7 management ang bagong showbiz talk show na papalit sa Showbiz Central, pero gusto nilang klaruhin na hindi totoo ang pinalalabas ng iba na hanggang Linggo na lang ang showbiz talk show na ‘yon.
Sabi sa akin ng isang executive ng Siyete, nakalimang taon na ang Showbiz Central at hindi masama kung tapusin at palitan nila iyon ng ibang showbiz talk show.

Sabi pa ng Kapuso network executive na kausap ko, mas maganda at mas exciting ang bagong showbiz talk show na papalit sa Showbiz Central, kaya umaasa sila na mananatiling loyal sa timeslot na ‘yon ang followers ng magsasarang showbiz talk show.

source: abante-tonite.com
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search