Sunday, May 13, 2012

Ruffa Mae Quinto, bagong host ng Wiltime Bigtime

Noong Biyernes, May 4, naging guest co-host si Rufa Mae sa Wil Time BigTime ni Willie Revillame sa TV5. After the show, na-interview ng Paparazzi Showbiz Exposed si Peachy at masaya niyang bungad sa TV crew, “Feeling bigtime na bigtime.”



MARAMI ang nagulat sa biglaang pag-alis ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central. Isa si Rufa Mae sa mga regular host ng show along with Pia Guanio, Raymond Gutierrez, John Sweet Lapuz, at Jenylyn Mercado.

Ang rason daw ay gusto niyang makapagpahinga sa pagtatrabaho tuwing Linggo dahil ilang taon na siyang laging nagtatrabaho sa araw na iyon. May mga balita namang, na-insecure raw si Rufa Mae sa kasamahang si Jen pero pinabulaanan ito ni Peachy sa mga interview niya noon.
Pangarap nga rin kaya niyang mag-host ng mga game show katulad ng Wil Time?

Aniya”Yup, yup…I love hosting kasi, I love to be with people ‘di ba ang saya, tsikahan, kuwentuhan. Live pa, mabilis, alive and kicking.”

Ano naman kaya ang napag-usapan nila ni Kuya Wil (Willie Revillame)? Balita kasing kukuning guest co-hosts si Rufa Mae sa show ng mga ilang araw. Totoo kaya ito?

“Oo nga eh, ‘yun na nga ang plano, update ko na lang kayo.”

Ito rin kaya ang hudyat na lilipat siya sa TV5? Natatawang tugon ni Peachy, “Hudyat talaga noh, eh alam mo ako naman ay nanggaling din naman dito so, before ‘yung mga ‘Ispup’ and everything. So okay lang naman if magbalik ako rito ‘di ba. And of course, hindi ko pa alam kung ano talaga ang plano ni Boss Vic (del Rosario, manager niya) kaya, I’ll let you know.”

Balita ring madalas nakikita si Rufa Mae sa bakuran ng ABS-CBN, isa rin kaya ang Dos sa option niyang lipatan?

“Hindi, mayroon din akong ano roon, ‘yun nga ‘yung Guillermo ‘di ba with Iza Calzado, and excited din naman akong makasama si Iza. Pero Guillermo, ini-air siya sa ABS. Ganoon na lang muna, here there everywhere.”

Masaya kaya ang maging freelance artist?

“Masaya, kasi ano eh, and of course I cannot be freelance forever, so ini-enjoy ko lang muna to, so I’ll let you know kung saan talaga.”

So ang TV5 ay may malaking bahagi sa puso niya if ever pipili na siya ng network?

“Of course, of course.”

Ano naman kaya ang masasabi niya sa mga hosts ng Wil Time BigTime?

“Ang bait-bait nila. Lalo na si Mariel (Rodriguez) kasi ang sarap kasama kasi kompleto siya, hahaha.

“Masarap kausap, at saka na-miss ko rin si Willie, kaibigan ko rin si Willie matagal na eh so, finally nakasama ko siya.

“And I’m enjoying working with him. Nag-enjoy ako talaga.

“And I always enjoy being with Willie kasi, ‘pag kasama ko siya tawa lang kami ng tawa, minsan ‘di ko alam na nilalait na ako, basta tawa lang kami ng tawa.

“And si Camille (Villar) naman at saka si Mariel, kahit ngayon lang kami nagkakausap parang ang tagal na naming magkasama. Alam mo ‘yun. Buong buhay na ata namin ay napagkuwentuhan na ‘ata namin. I’m super comfortable.”

Nilinaw din ng Paparazzi kay Rufa Mae ang tungkol sa pagli-live in nila ng napapabalitang kasintahang si Boy 2 Quizon, may katotohanan ba ang intrigang ito?

“’Di totoo ‘yun, ‘di pa.”

May buntis issue rin na nilinaw ang show sa kanya. Pero paliwanag niya, “Oo nga eh, ang tagal na ngang lumabas eh, ang tagal-tagal na hindi pa lumalabas eh. Eh ganoon siguro talaga, basta ‘pag ready na ako magsalita lahat-lahat na, I’ll let you know guys.”

Pero officially, sila na nga ba ni Boy 2?

“Basta.”

Pero happy daw siya, “Happy P. Happy.”

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search