Sunday, May 13, 2012

'Boy Pick-Up' Cast, unprofessional?


NAIMBYERNA ang manager ni Dennis Trillo na si Popoy Caritativo sa kanyang tweet dahil sa sobrang late ng dating ng ilang cast sa shooting ng Boy Pick-Up. Halatang galit si Popoy dahil ang tweet niya, sana ay hindi na lang tinanggap ng late na cast ang movie kung hindi rin lang paninindigan ang pagdating sa oras ng shooting.
Kasi naman, 1 p.m. ay nasa set na si Dennis. Pero 7 p.m. na ay hindi pa dumarating ang ilang cast na kasama sa kukunang eksena, huh! Sino nga naman ang matutuwa sa unprofessionalism na ’yon?
Naku naman, ito ngang si Dennis ay sagad ang katawan sa trabaho, huh! Dahil nga sa sobrang puyat sa taping ng tinatapos na Biritera, halos mamaga na ang kanyang mga mata! Eh, may hinahabol na June 6 playdate ang Ogie Alcasid starrer, kaya kahit patang-pata na ang katawan si Dennis, dumarating pa siya sa takdang oras sa call time, huh!


source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search