Saturday, May 26, 2012

Ina at Lola ni Jessica Sanchez nagpasalamat sa ABS-CBN


Nagpasalamat ang ina at lola ni Jessica Sanchez sa mga artista ng ABS-CBN para sa suportang ipinakita ng mga ito habang lumalaban ang 16-anyos na singer sa American Idol.

Pinasalamatan ng lola ni Jessica na si Virgie ang The Buzz host na si Boy Abunda sa paghihimok sa mga Pinoy sa Estados Unidos na iboto ang kanyang apo at sa ABS-CBN correspondent na si Yong Chavez para sa paghahatid nito ng updates sa mga Pinoy tungkol kay Jessica mula sa Los Angeles, CA.

Binati ng ABS-CBN chairman at CEO na si Gabby Lopez III at president na si Charo Santos-Concio si Jessica para sa kanyang performance sa American Idol na nagbigay ng karangalan sa mga Pinoy sa buong mundo.
Kahit pa bigong magwagi sa kumpetisyon, inaasahan nilang aarangkada ang career ni Jessica.

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search