Saturday, May 26, 2012

Game 'N Go ng TV5 itatapat sa ASAP!


HANDA na ang paglulunsad ng bagong noontime show ng TV5, ang Game ‘N Go, sa susunod na buwan.

Sina Joey de Leon at Edu Manzano ang magiging hosts ng bagong programang ipalalabas ng Singko tuwing Linggo ng tanghali. Balak ng TV5 na itapat ang Game ‘N Go sa ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA.

Papalitan ng Game ‘N Go ang kasalukuyang show ni Joey tuwing Linggo sa Singko, ang Celebrity Samurai. 
Bukod kina Joey at Edu, kasama rin sa bagong show sina Arnell Ignacio at Wendy Valdez na balak na ilaban ng Singko kina Sam Pinto at Solenn Heussaff ng Party Pilipinas at Cristine Reyes ng ASAP sa mga sexy production numbers.

Dati ay nagkaroon ng Sunday noontime show ang Singko, ang PO5, kasama sina Lucy Torres-Gomez at Ryan Agoncillo ngunit sandali lang ito tumagal sa ere.

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search