Friday, April 27, 2012

Marian Rivera at Dingdong Dantes pinag-uusapan na ang pagkakaroon ng baby?

Si Marian na mismo ang nagkuwento kung paano nila pinag-usapan ni Dingdong Dantes ang isyung buntis ito.
Sa presscon ng bagong dramedy ni Marian sa GMA 7 na Tweets for My Sweet, natatawang kinuwento ni Marian na ­tinext siya ni Dingdong kama­kalawa para sabihing may kumakalat na intrigang buntis ito.

Natawa pa si Marian na sinabi sa aming meron pa raw “how I wish” sa text ni Dingdong na tila gusto na nitong magka-baby kay Marian.

Pero paulit-ulit na sinasabi ni Marian na wala talaga at ipinakita sa amin ang impis niyang tiyan sa ha­pit na hapit na puting damit.

Sakaling mabuntis siya, hindi niya ito itatago at magiging proud siya. “Natuto na ako, eh. Hindi naman ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang panindigan.

“Kung ginawa ko iyun o mangyari sa akin ‘yun, ibu-broadcast ko talaga sa lahat,” sagot ni Marian sa amin.

Napag-alamang ang kapatid ni Dingdong ang buntis kaya binabati ito ng ilang kaibigan. Dahil sa isyung buntis, muling napag-usapan ang tungkol sa pag-settle down nila ni Dingdong.

Wala pa raw talaga sa mga plano nilang dalawa dahil malaki ang utang na loob nila sa showbiz.

Malaki ang natutunan nila at nabago sa kanilang buhay kaya marami pa silang gagawin bago nila pag-usapan ang pag­settle down.
Excited si Marian dito sa Tweets for My Sweet dahil ilan sa mga kasamahan niya rito ay first time pa lang niyang nakatrabaho, at ang iba ay naging close na niya gaya nina Sheena Halili at Nova Villa na puring-puri sa kanya.

“Masaya kami lahat sa taping, wala kang maramdamang mga masasamang hangin,” pakli ni Marian.
Wala na rin bang ‘masamang hangin’ sa set ng My Beloved?

“Ay wala! Okay kami du’n, masaya kami. Wala na ‘yun, tapos na ‘yun,” sagot ni Marian sa amin.
Nagkaeksena na raw sila ni Katrina Halili na silang dalawa lang at okay raw silang dalawa.

“Magkaharap kami, wala namang sinasabi na parang nagkasalisi lang. Nagkabati naman kami. Sabi ko sa kanya, hi, ganu’n lang okay naman kami,” kuwento pa nito.

Umalis kahapon si Dingdong patungong Malaysia dahil ipu-promote nito ang Dyesebel na ipalalabas doon.

Hindi nakasama si ­Marian dahil abala siya sa promo nitong Tweets for My Sweet na magsi­simula na sa Mayo 6.


source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search