Saturday, June 23, 2012

Daniel Padilla tinuruan ng Safe Sex ng kanyang ama

Kaya imposible raw na makabuntis agad

Napapangiting inamin ni Rommel Padilla na kaya siya muling nagkaroon ng project sa ABS ay dahil sa anak niyang sikat na sikat ngayon na si Daniel Padilla at ipinagpapasalamat daw niya iyon.

Isa si Rommel sa cast ng bagong serye ni Zaijian Jaranilla na Lorenzo’s Time, “Oo, totoo naman ‘yun at nagpapasalamat ako sa kanya,” Masayang sabi ng nagbabalik na aktor.

Sa dating serye ni Judy Ann Santos na Habang May Buhay huling napanood si Rommel at mula noon ay naging busy na siya sa pagiging board member sa bayan ng Nueva Ecija.

Si Karla Estrada ang ina ni Daniel at pang-lima ang batang aktor daw sa walong anak ni Rommel sa limang babae.

Sobrang natutuwa raw si Rommel sa nangyayari ngayon sa anak dahil nakita niyang maraming nagmamahal sa bagets, “Kasi nu’ng nandu’n ako sa launching ng album niya, grabe, tumaas ang balahibo ko, kasi nanumbalik ‘yung alaala ko noon kay Robin (Padilla) na ganu’n siya kamahal ng fans.“Ganu’n karaming taong sumusuporta at nagmamahal kay Robin, e, nakita ko ‘yun kay Daniel. Kaya naniniwala ako na siya ang susunod kay Robin,” sabi pa ni Rommel.
Hindi magkasama sa iisang bahay ang mag-amang Rommel at Daniel pero nagpapasalamat siya na maganda ang relasayon nilang mag-ama, “Maganda ang pagpapalaki ni Karla sa anak namin at saka okay kami ni Karla, minsan nga, siya pa ang tatawag para sabihing, dalawin mo si TJ (palayaw ni Daniel). So, hindi niya inilayo sa akin.”

“Minsan nga, dinalaw ko pa siya sa Princess And I, sabi ko, ‘Anak, dalawin kita diyan’ at umoo naman, nagbilin pa nga ng pizza kasi iyon daw ang gusto ni Kathryn (Bernardo),” pambubuking ng aktor.

Sa tingin ba ni Rommel ay may relasyon na sina Daniel at Kathryn? “Siguro close palang, pero base sa nakikita ko sa anak ko, seryoso siya kay Kathryn at hindi naman maiiwasang hindi ma-develop, kasi naging leading man din ako, alam ko ang pakiramdam na lagi mong kasama ang leading lady mo.”

Tinuruan din ba niya ang anak ng safe sex? “Ha-hahaha! Siguro naman kasi si Robin endorser ng condom, kaya may trust ako sa anak ko! Ha-haha!” ani Rommel.

Samantala, bukod kay Daniel ay abut-abot din ang pasalamat ni Rommel sa ABS-CBN at sa business unit head na si Deo Endrinal dahil napasama siya sa Lorenzo’s Time na mapapanood na sa July 2 sa Primetime Bida na pinagbibidahan nina Zaijian, Carmina Villaroel at Gina PareƱo.

Source: Bandera Blog
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search