Friday, April 27, 2012

'Dahil sa Pag-ibig' bumabagsak na ang rating!

SA TOTOO lang, hindi lamang si Cristine Reyes ang apektado sa pagbagsak ng rating nang Nang Dahil sa Pag-ibig, maging ang mga pangunahin artista rito na sina Piolo Pascual at Christopher De Leon ay apektado din dahil sa kung hindi daw magbago ang lackluster rating ng show, siguradong matsutsugi ito sa ere.

Naapektuhan ang rating ng Nang Dahil sa Pag-ibig dahil sobrang nega talaga ngayon ni Cristine Reyes buhat ng magpasabog ito ng mga text messages patungkol sa kanyang Ate Ara Mina. Dagdag pa riyan na kaliwa’t kanan ang banat ngayon ng mga entertainment press rito lately.

Dapat siguro mag-sorry rin itong si Cristine roon sa mga sinabihan niyang reporter na cheap raw. At bago pa man tuluyang malaos itong si Reyes, mas mabuting gumawa na siya ng hakbang para maayos ang mga gusot nito sa movie press.

PINOY TV POLICE COMMENT:
Natatalo na ng My Beloved ang Dahil Sa Pag-ibig sa Mega Manila pero minsan ay nanalo naman ang serye ni Cristine at Piolo. Sa National Tv Ratings naman ay panalo pa rin ang Dahil Sa Pag-ibig. Malaki ang agwat ng ratings ng Dahil Sa Pag-ibig at My Beloved. SEE FULL TV RATINGS HERE

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search