Thursday, April 26, 2012

Helen Gamboa ayaw pa ring kausapin si Sharon Cuneta?

EMOSYONAL si Sharon Cuneta nang hingan siya ng press ng update sa tampuhan nila ng tiyahin niyang si Helen Gamboa-Sotto sa press launch kahapon ng bagong show niya sa TV5 na Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa Delta Theater.
“Takot kasi ako sa kanya (Helen). Ang lagi kong tine-text, si Ciara (Sotto, bunsong anak nina Helen at Tito Sotto),” bulalasng Megastar.

“I think, na-offend siya du’n sa isang line na hiningi ni Wilson Flores (sumulat ng article ni Sharon sa isang broadsheet) sa akin, na hindi ko alam kung anong sobra.”

Paglilinaw ni Shawie, tapos na ‘yung isyu ng Senate presidency (kung saan tumakbo ang mister niyang si Senador Kiko Pangilinan, na hindi umano sinuportahan ng tiyuhin niyang si Senador Tito Sotto).

Wala na raw ‘yon at nailibing na.

Iyung pangalawang ­issue na kesyo nagmamalinis daw si Kiko samantalang ito si ‘Mr. Noted’ sa Senate hearing, hindi raw sila nagsalita about it, pero na-shock siya tungkol doon dahil hindi na ‘yon kailangang sabihin pa.

Nang matapos din ang isyung ‘yon ay hindi raw sila nagsalita ng kahit ano, pero hindi na sila nagkausap ng kanyang Tita ­Helen at never na rin silang nagkita.

“Ang laking gulat ko lang talaga. Kasi, sa fa­mily namin, they were the people who taught me eh -- sila nina Mommy -- na hindi kami naglilinis ng dirty linen in public, ‘di ba? Nagulat ako. It was shocking to me…
“Feeling ko, artista naman ako. Bakit nag-asawa lang ako ng politician, kailangan kasama rin ako sa gulo ng pulitika?

“Ang tanong lang ni Wilson was, ‘So, do you believe that politics ­destroys relationships?’ Sabi ko, ‘Yeah, that’s why sometimes, when your uncle says something about your husband, you don’t understand.’

“Iyun lang ang sinabi ko, pero ang sakit-sakit na ng sinabi niya (Helen). Ang joke ko nga kay ­Ciara, ‘Ginawa niya akong saranggola ni Pepe!’

“Kailan ako naging matayog? Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang sambit ni Sharon habang umiiyak.

Patuloy niya, “I think she meant lang kasi na ­after all the statements given before, bakit hindi ko pinatulan ‘yung ­second round ng pag-aakusa ni Uncle Tito?

“Ang hirap kasi. Ang sakit-sakit sa akin, kasi tatay ko siya, eh!

“Gusto ko lang linawin na mahal na mahal ko ang Tita Helen ko. Hindi ko siya dini-disrespect.

“Kaya lang, si­guro naman, 46 na ako. Meron din akong karapatang masaktan at mag­palipas ng sama ng loob bago humarap, para naman walang plastikan, ‘Yun lang naman ‘yon.

“Hindi po ako nagmamalaki. Nakakahiya ‘pag nagmalaki ako dahil siya, kasama siya sa nagpalaki sa akin.

“So, kung totoo man ‘yung paratang na ‘yon, napaka-delayed reaction ko naman na lumaki ang ulo, ‘di ba?

“Mahal na mahal ko sila. Gusto ko lang lina­win. Pero alam n’yo, kahit sa Bibliya, kapag nag-asawa ka, kailangan you side with your husband. Iiwanan mo ang lahat para sa asawa mo.

“Kaya ang hirap ng sitwasyon ko, eh. Napa­kahirap talaga. Pero ­ayoko ng gulo. Mahal na mahal ko ang pamilya ko, lalo na ang mga ka­patid kong Sotto. I miss them so much,” bulalas pa ni Sharon, na halos hirap nang magsalita at parang sisipunin na dahil sa kakaiyak.

***

Kahit hindi niya napigilang maging emosyonal, nagpasalamat si Sharon na naitanong sa kanya ang tungkol doon dahil kahit paano ay nailabas niya lahat ng kinikimkim niya.

Tsika pa ni Mega, dahil co-star ni Richard Gomez ang Tita Helen niya sa teleseryeng Walang Hanggan, minsan ay nagpapadala siya ng mensahe kay Richard para sa kanyang tiyahin.

Magkaibigan kasi sila ni Goma hanggang nga­yon at in touch silang dalawa.

“Kaya minsan, meron akong mga pinara­rating na message sa kanya kay Tita Helen. ‘Yung mga, ‘Oy, Margaret (pa­ngalan ng karakter ni Tita Helen sa Walang Hanggan), tama na ‘yan!’ Ha! Ha! Ha!

“Kasi, niloloko namin ‘yon ‘pag ano, ‘Helen!’ ginagano’n namin siya nina Ciara. Ha! Ha! Ha!

“Eh, ayaw pa akong pansinin. ‘Yun lang naman ‘yon. Ha! Ha! Ha!

“Sorry po, Ma and Pa, if I hurt you. Pero I’m just really… I have to support my husband. ‘Yun lang naman ‘yon. I think that’s understandable.

“Alangan namang ibato ko si Kiko? Ha! Ha! Ha! ‘Yun lang ‘yon. ­Siyempre, nasasaktan ako. Kasi, tatay ng mga anak ko ‘yon.

“Pero wala na ‘yun sa amin. Sana, tapos na. Nalokah lang ako, lumabas pa kay Ricky Lo! Ha! Ha! Ha!

“Sana, sinabunutan na lang niya ako. Sanay naman niya ako paluin hanggang ngayon…” dayalog ni Shawie.

Kaya minsan, ‘pag nagti-taping sina Goma at Tita Helen ay may pinapadala siyang mensahe kay Goma at sinasabihan niya itong ipabasa ‘yon kay Tita Helen.

“Eh, hurt pa, eh. Hurt siya. Kung napi-feel niya na na-disrespect siya, I’m really sorry. Pero na-feel ko rin kasi na na-disrespect ‘yung asawa ko. ‘Yun lang naman. Hindi naman kami nakikipagmataasan.

“Never kong ginawa sa 46 years ng buhay ko ang magmalaki. Ang ginagawa ko lang sana no’n, dahil wala namang monopoly na sumama ang loob at magpalamig ng ulo bago makipag-usap, ang gusto ko lang naman gawin, magpalamig nang konti para lumipas na ‘yung sama ng loob bago kami mag-usap ulit.

“Ang balak ko nga, surprise-in siya sa bahay niya. And bago ko nagawa ‘yon, na-shock ako. Na-shock ka­ming dalawa sa issue.

“At napakasakit nu’n dahil ‘yung accusations niya, parang ang feeling ko lang, ha? Nagnakaw ako ng tinapay, tapos ang parusa niya sa akin… LETHAL INJECTION! Ha! Ha! Ha!

“Parang papatayin na niya ako! Eh, sobrang nanay ko ‘yon, ‘di ba?” tuluy-tuloy pang pakli ng Megastar.

***

Sa Mayo 7 na ang simula ng Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa Singko.




source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search