Next week na pipirma ng kontrata sa TV5 si Megastar Sharon Cuneta.
Kahapon ay inaayos na ang lahat ng details sa kontrata at kagabi ay ni-review na raw ni Mega ayon sa super reliable source.
“Ang laki-laki ng deal,” kuwento ng source.
Kaya malamang mapanood na si Sharon sa TV5 before the end of the year.
Isa na raw ang kontrata ng megastar sa pinaka-malaking deal sa network na pag-aari ni Mr. Manny Pangilinan.
Mala-Oprah ang unang sasabakang programa ni Sharon sa lilipatang network. Monday to Friday daw eere, tuwing hapon. “Primetime. Parang Oprah and Ellen Degeneres,” dagdag ng source.
Pero hindi lang naman daw lahat talk show, meron din itong iho-host na reality show,
Ang bagong manager daw ng Megastar ang nag-isip ng concept at sila mismo ang producer ng programa underMega Productions.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!