Tuesday, April 17, 2012

Gowns ng mga Binibining Pilipinas 2012 Candidates inalipusta!

Kung pinuri ang gowns ng Bb. Pilipinas hosts, lait kung lait ang natanggap ng mga kandidata sa chakang gowns na inirampa nila na galing sa Cumbia na pag-aari ng BPCI.
Tweet ng celebrity makeup artist na si Juan Sarte, “Venue sana ang beauty contest to promote Filipino designers. Ang gaganda ng hosts in their Filipino designed gowns. Sana the candidates din.”

Maging si Anne Curtis ay nag-tweet ng, “I wonder who chooses the gowns the contestants will wear on such a special night?” na sinagot ni Rajo Laurel ng, “Me too!”

Ni-retweet ni Rajo ang tweet ng follower niya na, “Mrs. Araneta, marami po tayong magagaling na young designers. Mga 5 each year, tapos 10 gowns from each of them. Ok na po ‘yun. Cumbia isn’t working.”

Tweet ng ­designer na si Martin Bautista, ­“Sorry guys. Wala tayong magagawa sa gowns ng candidates. Hello, Madam Stella Marquez-Araneta! Wake up!”

Ang society magazine editor na si Anton San Diego ay may tweet din na, “The most awful gowns in Binibining Pilipinas. So sad.”
Pinagtawanan sa Twitter ‘yung mga kandidatang nakasuot ng ‘panregalo’ dahil may pagkala­laking ribbon ang gown ng mga ito.

May nag-tweet tuloy na, “They should make a new special award -- Best in Biggest Bow during the Evening Gown Com­petition.”

Ewan namin kung nagbubulag-bulagan lang ba ang Bb. Pilipinas organi­zers kaya hindi nila nakikita ang pagkapapangit na gowns na pinapasuot nila sa mga kandidata gayong ang gaganda na ng mo­dern gowns na sinusuot lalo na sa Miss Universe.

‘Yung collection ng BPCI ay mga pinaglumaan na ng panahon at kapanahunan pa yata ni Mrs. Stella Araneta kaya dapat nang itago sa baul o kaya’y sunugin na!

Siyanga pala, ang nagwaging Bb. Pilipinas-­Universe 2012 na si ­Janine Tugonon ay ang 1st runner-up sa Bb. ­Pilipinas last year.


Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search