Sunday, October 2, 2011

"X Factor" rights nakuha ng ABS-CBN




Nakuha na ng ABS-CBN ang rights ng talent show na "X Factor" na binuo ni Simon Cowell. Matatandaang GMA-7 Network ang unang napabalitaang kukuha ng rights ng nasabing talent show na ito para itapat sa top rating na palabas na "Pilipinas Got Talent" ng Kapamilya Network. Ngunit, ayon sa mga balita, mukhang di kinaya ng Kapuso Station ang halaga ng rights ng "X factor" kaya binitiwan na nila ito, bagkus ay gumawa na lang sila ng sarili nilang talent show na pinangalanan nilang "Protege" na umeere ngayon.

Back to ABS-CBN, ang magiging host daw ng "X Factor" ay si Popstar Princess Sarah Geronimo at ang mga magiging judge ay sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta at iba pang Kapamilya music icons.

Now, are you excited sa Philippine Edition ng "X factor" ??

1 comment:

  1. haha, hindi kinaya ng Kapuso ang X Factor?, now i know poor pala sila...

    PEACE!!!

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search