Friday, November 30, 2012

GMA7 naalarma sa pamamayagpag ng ABS-CBN, mga shows nito nag-rigodon

TALAGANG desperado na ang GMA dahil sa pamamayagpag ng ABS-CBN sa ratings tuwing Linggo ng gabi.


Simula sa Disyembre 2, ililipat na ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho ng Siete sa Linggo, mula sa rati nitong oras tuwing Sabado.

Ang programang ito ni Jessica Soho ay itatapat sa Rated K ni Korina Sanchez ng ABS-CBN at ang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo sa TV5.

May pagbabago rin ang iba pang mga programa sa GMA tuwing Linggo dahil maagang matatapos ang showbiz talk show na HOT TV upang bigyang-daan ang 24 Oras Weekend.

Malilipat naman ang Extra Challenge nina Marian Rivera at Richard Gutierrez at itatapat sa TV Patrol Weekend ng Dos.

Ang show ni Michael V, ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, ay makakatapat ang Goin’ Bulilit ng Dos at ang Pinoy Explorer ni Aga Muhlach sa Singko.

Ang Kap’s Amazing Stories ni Bong Revilla at ang Imbestigador ni Mike Enriquez ay parehong itatapat sa variety show ni Sarah Geronimo, ang Sarah G Live, habang ang show ni Chris Tiu na I Bilib ay itatapat naman sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Samantala, ipalalabas sa Linggo ng GMA ang concert ni Rachelle Anne Go, kasabay ang Miss Resorts World 2012 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Mapapanood din sa Siete ang ikaapat na bakbakan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel MarquezDisyembre 9 at may primetime replay kinagabihan.

Nauna naming ibinalita rito sa Hataw na sisibakin na ng GMA ang show ni Manny, ang Manny Many Prizes, at papalitan ito ng TGIS Next Gen simula sa Disyembre 9.


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search