Monday, September 24, 2012

Jaine Oineza Gaganap Bilang Bagong 'Esperanza' ?

Talagang hit sa mga Pinoy ngayon ang mga Tween stars gaya nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Julia Montes, Bea Binene, Ella Guevarra, Jake Vargas at marami pa. Kaya naman pagdating ng 2013 may mga bagong Tween stars ang magiging bida di umano sa mga teleserye ng Kapamilya network.


Balitang bibugyan ng mga magagandang proyekto ang mga Tween stars na sina Jaine Oineza at ang nagbabalik showbiz na si Julia Barretto.

Parehas na dating child stars ang dalawa. Si Julia na pamangkin ni Claudine Barretto ay magbabalik na di umano sa showbiz habang si Jaine naman ay bibigyan daw ng magandang proyekto matapos mapahanga niya ang buong bayan sa kanyang role sa isang episode ng 'MMK.'

Balitang si Jaine daw ang nababalitang gaganap sa remake ng teleseryeng 'Esperanza' na unang pinagbidahan ni Teleserye Queen Judy Ann Santos. Kung matuloy man ang balitang ito, isa lang masasabi ko, congrats ABS-CBN! I think it's a perfect material for Jaine na super galing umarte. Anothe rhit ito panigurado.

source: byxbuzz
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search