Sunday, August 19, 2012

Elmo Magalona pinapayuhan tungkol sa sex ni Maxene

FINALLY, inamin ni Maxene Magalona sa taping ng Faithfully na nagkarelasyon sila noon ni JC Tiuseco.

Limang buwan daw tumagal ang kanilang relasyon na nauwi sa hiwalayan, pero nilinaw niya na walang ibang babaeng dahilan kaya nagdesisyon silang tapusin ang kanilang relasyon.


Kamakailan ay nakita pa niya si JC at siya ang unang bumati rito at sinabing kalimutan na ng binata ang nangyari sa kanilang relasyon dahil wala na ‘yon sa kanya.
‘Yung paghihiwalay nila ay parehong desisyon nila.

Bale pangalawang boyfriend niya si JC at ‘yung unang naging relasyon niya ay tumagal nang six years.
Pangatlong boyfriend ni Maxene si Dominic Roco, pero anim na buwan lang daw ang relasyon nila.

Masyado raw kasing bata si Dominic at naging honest daw ang binata na hindi pa ito handa sa isang relasyon na sobrang serious.

Ang huling karelasyon niya ay si Neil Arce. Seryoso ang kanilang relasyon na umabot ng isang taon at tatlong buwan.

Sa unang buwan ng paghihiwalay nila ay hindi sila nag-usap at hindi nagbabatian kapag aksidenteng nagkikita, pero ngayon ay nag-uusap na sila at wala nang isnaban.

Hindi nagpa-tweetum pa si Maxene nang mapag-usapan ang tungkol sa pre-marital sex.
Hindi raw siya nagkukunwari na hindi niya ginagawa ang bagay na ‘yon.

“Para maging okay ang isang relasyon at magtagal kayo, dapat alam n’yo rin na may sexual chemistry kayo ng partner mo, kaya ‘yon, aaminin ko naman na may ganoon at hindi ko kailangang magpa-tweetum na sabihin na I’m not doing that.

“Iba na naman ang panahon ngayon, eh.
“Ayokong magkunwari. Pero siyempre, I’m not really comfortable na pag-usapan sa mga interview ko ang tungkol sa sex.

“Hindi naman ako ‘yung tipong magdedetalye. Pero hindi ako ‘yung magde-deny at sasabihin na wala akong alam tungkol doon,” pahayag ni Maxene.

Maging ang ina nila na si Pia Magalona ay open sa kanila tungkol sa sex, kaya wala sa kanila na natulad sa ina na at the age of 18 ay isa nang ina.

Pati ang mga kapatid niyang lalaki ay wala pa rin daw nagkakaanak.
Pinapayuhan ba niya ang kapatid na si Elmo Magalona tungkol sa sex?

“Oo naman, natural lang ‘yon, pero hindi naman ‘yung vulgar kapag nag-uusap kami tungkol doon,” sabi pa ni Maxene.

Aminado man si Maxene na hindi siya inosente pagdating sa pakikipag-sex sa mga nagiging boyfriend, hindi raw siya nagta-try ng one-night stand.

‘Yon daw ang hindi niya puwedeng gawin.
“Iba-iba naman ng trip. Kung ‘yung iba, okay sa kanila ang ganoon, pabayaan natin sila. Ako naman, iba ang trip ko, walang basagan ng trip ‘yan. Hindi lang talaga ako comfortable sa one-night stand,” pahayag ni Maxene.

Samantala, magkaiba raw sila ng character niyang si Stella sa Faithfully.

Kung ‘yung character niya ay naghahabol pa rin sa mister (Marc Abaya) kahit may ibang babae ito, siya raw sa tunay na buhay, kapag nalamang may ibang babae na ang kanyang boyfriend ay lalayo na kaagad at hindi na maghahabol.

“Mas gusto ko pa rin na maging faithful sa akin ang boyfriend ko. Malayo kami ni Stella. ‘Yung character kong ‘yon, hanggang Faithfully lang,” pahayag pa ni Maxene.

Sa ngayon, single daw si Maxene, although may mga nagte-text-text, pero ayaw niyang masyadong isipin ang tungkol sa panliligaw ng mga lalaking ‘yon.


source: abante-tonite.com
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search