Tuesday, May 1, 2012

Matteo Guidicelli hindi natukso sa offer ng TV5

KAHIT pa pareho sila ng manager (Joji Dingcong) ni Derek Ramsay ay hindi nagpabola at natukso itong si Matteo Guidicelli sa malaking offer na datung ng TV5 sa kanya. 

Ang said hunk actor kasi ang naging choice sana ng Kapatid Network para mag-host ng kanilang bagong Reality TV Show na Temptation Island, pero big “no!” ang naging sagot nito sa very tempting pa naman sanang offer sa kanya ng istasyon ng rich businessman na si Mr. Manny Pangilinan.

Ang sabi, kung ang manager nito na si Joji ang tatanungin ay aprub ito sa offer ng Singko, pero na kay Matteo ang final say kaya wala siyang nagawa kundi respetuhin ang naging desisyon ng talent na actor. 

Ang katuwiran naman daw ni Matteo, bakit pa siya lilipat eh very contended naman siya at masaya sa kanyang mother network na ABS-CBN at naririto rin ang girlfriend niyang si Maja Salvador, plus the fact na mayaman ang pamilya nito sa Cebu kaya’t carry talaga nitong tumanggi sa offer. 

Lalung-lalo na kung napi-feel nito na ikalalaos niya ang paglipat sa TV5.
 I’m convinced and agree gyud!


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

3 comments:

  1. ganyan dapa ito ang dapat tularan nina sharon at derek di nag papasilaw sa pera ang pag aartista ay hindi business ito ay isang propesyon ng isang tao.

    ReplyDelete
  2. i agree to u mattheo gs2 k ang eksena ang cnabi n lalaos k kung lumipat k s tv5 wich is very very very true tlaga

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search