Saturday, July 7, 2012

Alex Gonzaga, worried sa balitang aalisin siya sa Juicy


ANG haba-haba ng hair ni Alex Gonzaga, ang original host ng Juicy, na balitang ipu-pull out siya para makapag-concentrate sa taping ng Enchanted Garden na darayo sa malalayong lugar na mag-aanyong mundo ng mahika at paraiso.

Kaya nga worried si Alex, kasi ayaw niyang mawala sa Juicy na ng magsimula ito sa TV5, eengot-engot pa siya, hindi pa aware sa TV hosting pero tinuturuan siya ng Ate Toni niya kaya madali siyang natuto, kaya naman masakit sa loob niya kapag totoong aalisin na siya sa show na sina Cristy Fermin at Shalala ang kanyang mga kasama. 

Pero choice, sabi ni Alex, kasi trabahador lang naman siya.

Nang tanungin namin siya kung sa tatlong leading men niya sa Enchanted Garden, sino kina Daniel Matsunaga, Edgar Allan Guzman, at Martin Escudero ang magpapakabog ng puso niya?
Wala po, aniya kasi mas gusto niyang pag-usapan siya, isulat hindi dahil sa lovelife kundi dahil sa kanyang trabaho bilang artista. Okey lang daw na pag usapan sila ni Daniel, ni Edgar, at Martin dahil sa ginagampanan nila sa nasabing primetime show na mala-majestic combination of drama, magic and ecological awareness sa mga manonood sa mga bawat bahay.

Mabigat din ang casting ng show, tagisan din sa talino sa acting sina Ruffa Gutierrez, Alice Dixson, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, at BB Gandanghari.

Teka gano katotoo na kinikilig daw si BB kay Daniel? Eh, si Daniel kaya, kinikilig din ba siya kay BB at kung papaya daw ba siyang magkaroon ng kissing scene kay BB?

Why not? Sabi ng Brazillan actor, trabaho lang naman daw at kung kinakailangang gawin ang kissing scene, wala siyang ‘di gagawin for the sake of professionalism.

source: hataw tabloid
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search