Tuesday, June 5, 2012

Willie Revillame nagpasalamat sa TFC!


SAN FRANCISCO, CA. --- Kung matagumpay ang Wil Time Bigtime/KTV5 (Kapatid TV5 International) launch show sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, mas matagumpay ang launch show sa Bill Graham Civic Auditorium noong Miyerkules.

Sobrang saya ni Willie Revillame at hanggang noong Linggo na pabalik na kami sa Pilipinas ay hindi pa rin matigil-tigil ang pasasalamat niya sa lahat ng naging bahagi ng malaking tagumpay rito ng Kapatid network launch.

Nang magkita kami ni Willie sa after show blowout sa The Law Offices of Michael J. Gurfinkle (at ng misis niyang si Millie), panay ang tanong niya sa akin kung ano ang feedback sa Pilipinas ng launch dito sa Westcoast ng KTV5.

Sabi ko kay Willie, nakakarating sa atin ang tagumpay sa L.A. at Bay area ng Wil Time Bigtime/KTV5 launch shows.
Napakasaya ng show ni Willie na sinalihan nina Ruffa Gutierrez, Aga Muhlach, Derek Ramsay, Mariel Rodriguez, Camille Villar at Nora Aunor.

Mas sumaya ang lahat nang manalo ng bahay at lupa ang isang ale na may beneficiary rito sa Pilipinas.
Syempre pa, namudmod ng napakaraming pera si Willie.


Nagpasalamat si Willie sa TFC (The Filipino Channel) dahil sa international channel ng ABS-CBN ay nakilala siya noon sa Wowowee at hanggang ngayon ay minamahal ng mga tao sa Amerika.

Enjoy rin sa panonood ng show ni Willie ang big boss ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan kasama ang ilang executives niya sa pangunguna nina Bobby Barreiro, Ito Ramirez (big boss ng KTV5) Jeff Remigio, Luchi Cruz-Valdez, Chaye Cabal-Revilla (misis ni Bacoor Mayor Strike Revilla at sister-in-law ni Sen. Bong Revilla) at iba pa.

SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search