Sunday, June 17, 2012

'Dahil Sa Pag-ibig' napulitika kaya tatapusin na!


KOMPIRMADONG magtatapos na in three weeks time ang Dahil Sa Pag-Ibig nina Piolo Pascual, Cristine Reyes, Maricar Reyes, at Jericho Rosales base na rin sa itinatakbo ng istorya.

Base sa nabalitaan naming, dapat sana’y ie-extend pa ito, pero dahil sa internal problems ay tatapusin na raw ito.

Ayon sa nakuha naming tsika, “Mahirap kasing buuin ang istoryang tumatalakay sa politika, relihiyon, at pag-ibig, masalimuot at bukod doon, minamadali na rin dahil may papasok ng bagong serye.”

May nabasa rin kaming naka-post sa Facebook account ng taga-Dos na naglabas siya ng sama ng loob na, “Mahirap ang may politika” na hindi naman nilinaw kung para saan iyon. 

Timing na naka-usap namin ang creative consultant ng unit ni Deo T. Endrinal na si Rondell Lindayag tungkol dito.
“Actually, Reggs, hanggang July lang talaga ang airing ng ‘Dahil sa Pag-Ibig’. Kasi wala ka namang puwedeng idugtong na sa istorya, hindi mo naman puwedeng kalabanin ang relihiyon at politika. Mahirap ‘yun.

Kaya talagang hanggang July lang,” paliwanag ni Rondell sa amin.

“Bukod pa na busy ang mga artista, may mga upcoming show na sila na hindi puwedeng iurong kaya kailangan na talagang tapusin,” dagdag pa.

Binanggit namin na tila may politika raw sa Dos at may ibang programang ipapasok na kaya minadali ang DSP?

“Ay wala naman. Walang ganoon. Hanggang July lang talaga,” diing katwiran sa amin ng TV executive.

Source; hataw tabloid
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search