Monday, June 11, 2012

ABS-CBN, ang pinaka-unang naglunsad ng Digital Press Room!

NAGLUNSAD ang ABS-CBN Corporation ng ABS-CBN Social Media Newsroom (abscbnpr.com), ang unang social media newsroom ng isang TV network sa bansa.

Sa pamamagitan ng ABS-CBN Social Media Newsroom, lahat ng opis­yal na pahayag mula sa ABS-CBN ay matatagpuan sa isang website.

Maaari itong i-share sa ibang social networking sites tulad ng Twitter, Facebook, at Goggle+.

“Ang ABS-CBN Social Media Newsroom ay magandang halimbawa ng komunikasyon sa di­gital world.

“Sa pamamagitan nito, napapalapit ang ABS-CBN sa stakeholders at katuwang nito sa loob at labas ng bansa na nais malaman ang mga bagong balita sa aming programa at serbisyo,” sabi ni ABS-CBN Corporate Communications Head Bong Osorio (na dating regional director ng International Association of Business Communicators sa Asya).
Dagdag pa niya, ang paggawa ng social media newsroom ay uso sa mga korporasyon saan mang panig ng mundo para matugunan ang pangangaila­ngan sa mabilisang impormasyon ng mga mamamahayag, bloggers, at iba pang nasa mundo ng internet.

Nilalaman ng ABS-CBN Social Media Newsroom ang mga press o photo releases tungkol sa ABS-CBN kabilang na ang mga subsidiary nito; vi­deo plugs ng pinakabagong mga programa; kopya ng panayam sa mga Kapamil­ya stars at executives; RSS feed features; at clippings tungkol sa sinasabi ng media sa ABS-CBN.

Maaari itong mabasa via RSS feeds sa smartphones. Mag-download lang ng RSS reader applications tulad ng Google Reader, Taptu, at Flipboard sa inyong iOS, Android, o Windows phones.

Ang ABS-CBN Public Relations Group (sa ilalim ng Corporate Communications Division) ang mag-a-upload ng mga bagong materyal sa site araw araw na diretsong iti-tweet ng @abscbnpr at mapa-publish bilang wall post sa facebook.com/abscbnpr.


SOURCE: abante tonite
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search