Tuesday, May 1, 2012

Sharon Cuneta may tampo pa rin kay Piolo Pascual

KINUMUSTA namin si KC Concepcion kay Sharon Cuneta.

“KC is fine. You know what, I’m happy to tell you that she is very very happy now. You will see naman, e! Nagpatawad na siya at nag-move-on sa Piolo (Pascual) issue. My prayer also ay mag-move-on na rin ‘yung mga sumama rin ang loob siguro dahil sa break up. Pati ako ay nag-move-on na rin dahil nag-move-on ‘yung anak ko. Anuman ‘yung feelings ko noon, alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ,e! winelcome ko siya with open arms. Pero na-forgive na siya ni KC, ako pa?

“Ang akin lang is, sana man lang ay nag-text siya or nagpakita siya. Kasi alam mo ba since na naging official girlfriend niya si KC, hanggang sa nag-break sila, hanggang sa araw na ito, nag-uusap tayo, never siyang nagpakita sa akin. Never!

“Parang hindi kami sanay sa ganoon. Di ba nu’ng officially boyfriend na siya, di ba dapat, the decent thing dapat sana para mag-bonding ay magpakita ka sa bahay. Nu’ng lumiligaw ka naman, welcome ka rito, e!

“Pasensya na rin po kung may mga nasabi ako afterwards pero siyempre anak ko ‘yun. Kasi pinapasama pa ng ibang tao ‘yung anak ko. Walang ganunan…kasi pag ganun magsasalita ako. Hindi naman ako ‘yung type na makipagbangayan pa sa hindi naman kailangan. Nirerespeto ko ang lahat ng tao na nagtatrabaho lang, di ba?”

Nili-link ngayon si KC sa isang foreign singer?

“Naku, tawang-tawa ako diyan. Si KC..after ng relationship with Piolo, hindi naman sa na-trauma pero maingat. Ingat na ingat siya. So, ang feeling niya is Diyos ko lalo na ito… British…ano ito..hahahaha. Mukhang napakabait naman nu’ng bata..yung lalaki nagte-text, nagti-tweet. Pero my God, kung saan-saang bansa magpe-perform ito. Kung ‘yung Filipino nga , nakakatakot, e kagagaling lang niya rito kay Piolo… baka ma-one million times ang pain niya pag sakali,” sambit pa ni Mega.
Hindi pa raw ready ngayon si KC na umibig ulit.

Natuwa ba siya sa pagpapa-sexy ni KC sa mga pictorial niya sa magazine?

“’Yung totoo, hindi. Ha!ha!ha! Nu’ng unang-una kong kita sa cover. Sabi ko, ay naku anak, kitang-kita puwet ko ‘yan. Ha!ha!ha! Tapos sabi ko, kumusta naman ‘yung inside pages? Nu’ng makita ko, pinagalitan ko siya pero aanhin mo, e, disente pa rin naman ‘yung anak ko, nakatakip pa naman ‘yun. Wala namang balak mag-bold star. At saka, hindi niya ginawa ‘yun dahil nasiraan siya ng ulo at nag-break sila. Hindi totoo ‘yun. Ginawa niya ‘yun dahil super work-out siya nu’ng mga panahong ‘yun. So, after Cosmo, sabi niya mama may isa pa po ‘yung Cosmo. Ang tanong ko, ano ang suot mo? Sabi niya,’ two piece’. A, hindi bale dream ko naman ‘yan. Isuot mo na. Mauna ka na. ha!ha!ha! tapos sinabi last na ‘yun,” kuwento pa ni Mega.



SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search