Tuesday, May 8, 2012

Pamilya ni Albie Casino sukang-suka kay Andi



MAY pasa-pasa pa sa mukha si Albie Casiño nang humarap siya kay Korina Sanchez para sa isang exclusive interview na ipinalabas kagabi sa TV Patrol.

Ipinakita ni Albie sa camera na may putok siya sa ulo dahil sa pagpalo at pagkabasag ng bote sa kanyang ulo nang bugbugin siya ng ilang lalaki sa harap ng Fiamma bar sa Makati nu’ng Sabado nang madaling-araw.

“I see like 4 to 5 guys running to me. They started punching me, then I fall down. I curl up like this and my feet are up.

And then they’re just stomping on me.

“This is a foot stomp. It’s here, all the way to here,” sabi ni Albie, sabay turo sa kanyang mukha kung saan umano siya tinapakan ng isa sa mga umatake sa kanya.


“Somebody stepped on me like that and they were saying, ‘Ano, masarap ba ‘yung ganti? Eto ‘yung ganti ni Andi!’”

***

Ayon kay Albie, nagkataon lang na nandu’n sila sa iisang bar ni Andi nu’ng mga oras na ‘yon.

Mariing pinabulaa­na­n ni Albie na nakita niya si Andi bago siya sinampal nito at sinabu­yan ng wine sa mukha.

“Galing po ako sa CR. Paglabas ko po sa CR, nakaabang na po ‘yung friend ko doon. Sabi niya, ‘Albie, Andi is here. Bumaba na tayo.’

“Paglabas ko pa lang ng bathroom, nakita na niya (Andi) ako. Pero hindi ko talaga siya nakita.
I promise, hindi ko siya nakita. I wasn’t looking at her bad, I didn’t shoulder-check her, I didn’t push her, I didn’t shove her.

“I didn’t do anything. Because how will I do that? Because this is what happened; I was walking and then boom! I got slapped here.

“And when I get slapped, I looked to see who it is. And then wine is thrown at my face,” kuwento ng Kapamilya young actor.

Naniniwala si Albie at ang pamilya niya na pinlano ang panggugulpi sa kanya, dahil na rin umano sa mga binitiwang salita ng mga nanakit sa kanya.

“Yes!” ang mabilis na sagot ni Albie sa tanong ni Korina kung sa palagay niya ba ay diretsong may kinalaman si Andi sa nangyari.

“Because after I got beaten up, she went up to me and then she said, ‘Okey ka lang ba? Huwag ka kasing magpapakita sa akin sa labas, kasi papatayin ka ng mga ‘yan!’

“And then I said… I know that she knew them eh, ‘coz I asked her, ‘What are their names?’ Sabi niya, ‘Hindi mo kaya ‘yan. Pramis, hindi mo kaya ‘yan!’

“So, of course, she knows them. If sasabihin niya na hindi ko kaya, ‘di alam niya, ‘di ba?” pakli ng binata.

Balak magsampa ng kaso ng pamilya Casiño sa mga gumulpi kay Albie.

Maging si Andi ay pinaghahandaan na raw sampahan ng kaso ng pamilya ng young actor.

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search