Thursday, May 17, 2012

Nora Aunor at Cristy Fermin nagkabati na?


NAGKABATI na noong Sabado, May 12, ang Superstar na si Nora Aunor at ang batikang kolumnista at TV host na si Cristy Fermin. 

Nangyari ang hindi inaasahang pagbabati ng dalawa sa dressing room ng Paparazzi Showbiz Exposed, nagkaroon kasi ng pre-taped segment si Ate Guy para sa kanyang kaarawan na ilalabas sa May 19, 2012, kasabay ng kanyang pag-alis papuntang Amerika para magpagamot sa lalamunan.
Kuwento pa ni Nanay Cristy sa amin, “Ah di ba nag-tape siya para sa atin, ah ako ang nakiusap kay Tito Noel Ferrer at sa ating boss na si Sir Anthony Pastorpide, at saka kay Tito Perci Intalan at sa ating mga bossing at kay Jana Manalaysay, ang ating EP, na kung maaari dahil hindi pa kami nakakapag-usap ni Guy ng mahaba-haba, at hindi pa nakapagpaliwanagan, ang sabi ko sana magkaroon muna kami ng pagkakataon na makapag-usap kasi, ayoko namang lumabas na magkaharap kami at awkward kami sa isa’t isa. 

Siya, hindi komportable, ako rin hindi komportable, kasi kulang ng komunikasyon. May naganap eh, kailangang may linisin muna tayong dumi.

“Pagkatapos ng taping, pumunta siya sa akin, sa dressing room at ang sabi niya, ‘Ate Kamusta ka na?’ Alam mo naman, kumbaga parang politika ito, president naman ito, Superstar ito, president naman ito kumbaga, ako naman ay isang president lang ng fans club, at saka, homeowners, isang napakalaking kaligayahan para sa akin na ang isang Superstar ay marunong magpakumbaba, at bumati.”

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “Hindi ko kailangang marinig ‘yung mga I’m sorry, hindi ko kailangan ang anumang salita na paghingi ng dispensa, ‘yung paglapit pa lang ni Nora Aunor ay kasalu-saludo na.”

O ayan ha, all’s well that ends well talaga. Yahoo, tiyak na isang masayang balita ito sa lahat ng mga Noranian. Happy kami at muli nang nagkaayos ang nanay-nanayan namin sa showbiz at ang nag-iisang Superstar na si Ate Guy.


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search