Thursday, May 17, 2012

Biritera magtatapos na! Luna Blanca bagong kalaban ng Princess and I


Babu na bukas ang Biritera dahil mag-uumpisa na sa Lunes ang Luna Blanca na prequel ngLuna Mystica.
Mga bida sa first part ng Luna Blanca ang mga child star na sina Jillian Wardat Mona Louise Rey.

Maganda ang role ni Jillian dahil parang siya ang lumalabas na bida, kahit sinasabi na pantay na pantay ang mga role nila ni Mona Louise.
Same age sina Mona Louise at Jillian pero mas malaking bulas ang huli. Mga cute at smart na bagets ang dalawa at ilan lamang ito sa mga dahilan para tutukan at subaybayan ang kanilang primetime show sa GMA 7.

Kasama sa cast ng Luna Blanca si Buboy Villar na nasa awkward stage na dahil binatilyo na siya.

Hindi na child star si Buboy dahil tumangkad na ito at nagbabago na rin ang tono ng kanyang boses.

Mapalad si Buboy dahil hindi siya nawawalan ng mga TV project sa GMA 7.

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search