Wednesday, May 2, 2012

Derek Ramsay, iginiit na hindi siya mukhang pera


Sinabi naman ang aktor na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN. Ngunit nanindigan itong kailangan niyang mag-grow bilang isang artista at ‘yun ang kanyang ginawa kaya pumirma siya ng guaranteed contract sa bakuran ng TV5.


TV5 Manila invited us para sa isang lunch pocket interview for Derek Ramsay para na rin sa promotion ng kanyang latest show titled The Amazing Race-Philippines that will start soon.

Derek exclaimed that super excited na siya for his first solo show sa Kapatid Network. Hindi pa raw alam ni Derek kung magiging celebrity edition ang first season nito pero siya na rin ang nagkuwentong maraming local celebs natin ang nag-audition.

Nabatid din naming hindi pala guaranteed contract ang pinirmahan niya sa ABS-CBN sa loob ng dalawang taon nito sa Kapamilya Network.

Sa isyung mukhang pera raw siya, hindi siya pinalaking gahaman ng kanyang mga magulang. Inamin nitong money is necessity pero hindi nito kailangan. Maganda naman daw kahit paano ang buhay nilang pamilya at kung tutuusin ay hindi na nito kailangang mag-artista.




Paulit-ulit nitong sinabing marunong siyang tumamaw ng utang na loob dahil maganda ang ginawang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang!
‘Yun na! 

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search