Wednesday, May 9, 2012

Angel Locsin mas priority ang career kesa kay Phil


Medyo magtatagal pa ang paghihintay ni Phil Younghusband sa girlfriend niyang si Angel Locsin.
Gaano man kalalim ang kanilang relasyon nga yon, hindi pa ito maaring humantong sa pagpapakasal hanggang hindi natatapos ang aktres ang panibagong tatlong taong kontrata niya sa ABS-CBN.

Kung sabagay, hindi pa naman nagmamadali ang footballer. Enjoy pa ito sa kanyang paglalaro at ini-enjoy din sa popularidad na ibinigay ng pagi ging Philippine Azkals niya. 
Hindi siya maiinip ng paghihintay kay Angel na maraming nakatakdang trabaho sa Kapamilya, hindi lamang mga palabas sa TV kundi maging ng mga pelikula. Mas inspirado nga ito na tapusin ang pelikulang kasama sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes. 

Dalawang movie ang pagsasamahan nila ni Angelica, sa ikalawa ay makakasama nila sina Bea Alonzo at Toni Gonzaga.

May plano ring magkaroon ng reunion movie with Richard Gutierrez at isa pang pelikula kasama si Vhong Navarro.


source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search