Tuesday, April 17, 2012

Timeslots ng mga TV5 Shows, nakakalito!

ANG isang malaking diprensya kung bakit walang solid following sa shows nila ang TV5 ay ‘yung mistulang nasa isang tambiolo ang mga programa nila na paiba-iba ng timeslot.

Naba­baliw na ako sa kasusunod kung anong oras o araw ba ang isang show nila.

Natuliro ako sa paiba-ibang oras ng Juicy at ‘yung Face to Face ay naging afternoon na bu­malik sa umaga, ang Juicy na umikot from morning to late afternoon ay ­early morning na after midnight!

Talbog ang ‘Puyatan’ ni Kuya Germs!

Buti na lang, hindi umaangal ang Atty. Persida sa gulo ng programming ng TV5. Buti na lang, ‘di sila idinemanda ni Atty. Acosta, ‘noh?!
Ang Paparazzi, mula sa paiba-ibang oras sa Linggo ay naging Sabado na after lunch. At ngayong 2nd anniversary na pala nito ay biglang sa umaga naman!

At namigay pa sila ng mistulang PMPC Star Awards na ang mga nanalo ay pawang nahulaan ko -- mga taga-TV5 din like Aga, Willie and Derek.



SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search