Monday, April 23, 2012

Sharlene San Pedro hinangaan sa kanyang pagganap sa MMK

Hindi ko alam ang eksaktong edad ni Sharlene San Pedro. Ang alam ko lamang, isa siya sa mga maipagkakapuring child stars ng ABS-CBN na pi­nag­katiwalaan ng isang napa­kalaking challenge sa kanyang career.

Pinaganap siya ng role ng isang batang ina, yes, isang ba­tang ina, sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na tinu­tukan ng marami nung Sabado dahil ang lahat ay hindi sigurado na makakaya niyang gampanan ang role. She proved them all wrong! Hindi lang niya kina­ya ang role, nagawa pa niyang makumbinse ang lahat ng nanood na ang mga sing-gu­lang niya ay puwede ng maging ina sa tunay na buhay. Na ang dating napapanood nilang batang artista ay nagdadala­ga na.

Kahit marami ang nanghihilakbot sa mapangahas na hakbang na ginawa ng Goin’ Bulilit star, lu­bos ang pasasalamat ni Sharlene sa pagkakataong ibi­nigay sa kanya ng network para ipamalas ang kakayahan niya sa pag-arte at isabuhay ang isang kuwentong umantig sa puso ng mga manonood.

“Masaya po ako na ako ang pinili ng MMK para sa nasabing episode. Kakaiba at very challenging po kasi ’yung role at sigurado po akong kapupulutan ng aral,” anang kabataang artista na gumanap bi­lang Gigi, isang batang puno ng pangarap at sa pagnanais na mapabuti ang buhay ay nagkusang huminto ng pag-aaral upang kumita bilang isang kasambahay. Ngunit isang trahedya ang nagwasak sa kanyang kabataan dahil sa pagsasamantalang ginawa ng kanyang amo.
Ang galing ni Sharlene! Nakatulong ng malaki ang maraming taong experienced sa pag-arte. She credits her fine performance sa suporta na ibinigay sa kanya nina Dante Rivero, Justin Cuyugan, Cher­ry Lou, Joy So, Chienna Roseph Filomeno, at Edrilyn Ocam­po, sa ilalim ng direksiyon ni Don Cuaresma.

Medyo nahirapan ang direktor dahil sa maselan ang tema ng kan­yang istorya at bata ang kanyang artista. Pero kahit inala­gaan pa niya ng lubos si Sharlene, lumabas ang natural na galing nito sa pag-arte. For the first time, nakita ng mga manonood na hindi na bata ang batang artista, hinog na ito for more mature roles.

Samantala, nalilinya na talaga sa mga palabas na mga batang artista ang bida ang Kapamilya Network. Pagkatapos magpasikat ni Sharlene sa pagganap sa isang maselang role sa nangungunang dra­ma anthology sa bansa na Maalaala Mo Kaya, isa pa ring kabataang Kapamilya ang magiging tampok sa isa pang teleserye ng ABS-CBN ngayong summer. Siya si Ella Cruz, kaeskuwela ni Shar­lene sa Goin’ Bulilit. Una siyang tumatak sa mga manonood bilang batang Cristine Reyes sa Dahil sa Pag-ibig. Isa naman siyang sirena sa Aryana na susuportahan nina Pokwang, Tonton Gu­tierrez, De­siree del Valle, Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Rustica Carpio, at Lotlot de Leon.

Sina Erick Salud at Lino Cayetano naman ang magdidirek ng bagong palabas.



SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search