Friday, March 9, 2012

Grace lee at Kris Aquino, nagkita na!

LATE na dumating kahapon nang umaga si Grace Lee sa radio prog­ram na Good Times sa Magic 89.9.

Si DJ Mo Twister ang naka-board. Nang duma­ting si Grace, ibinigay sa kanya ang oras para pormal na magpaalam sa naturang radio program.

Medyo teary-eyed si Grace na nagpaalam. Kahit si DJ Mo ay nanghihinayang din sa pagtatapos ng tandem nilang dalawa.

Tweet ni DJ Mo bago siya magsimula sa radio program na iyun, “Grace Lee will say goodbye on our show today, please listen as we lose one of our faves and your First Lady.”

Binasa namin ang ilan pa niyang tweets, wala kaming nabasang may tini-tweet itong negatibo kay Grace.

Nilinaw namin kay Grace kung may sama ng loob ba siya kay DJ Mo kaya tuluyan na siyang nag-resign sa kanilang radio program.

Itinatanggi ito ni Grace. Wala raw siyang galit kay DJ Mo, at maa­yos daw silang naghiwalay.

Muli niyang klinaro na ang pagre-resign niya ay walang kinalaman sa kung ano mang isyu nila ni DJ Mo, ang away nila ni Angelicopter at pati ang kay Pres. Noynoy Aquino.

Kinunan ng Startalk ang pagpapaalam na iyun ni Grace kahapon, pero bago siya nagpaunlak ng interview, nakiusap siyang walang tanong tungkol sa presidente.

Ayaw na raw talaga niya itong pag-usapan at gusto na lang daw niya ng tahimik na trabaho.

Inamin ni Grace na nagkita na sila ni Kris Aquino pero ayaw niyang magbigay ng detalye kung paano sila nagkita at kung saan.

Maayos daw ang kanilang pagkikita at okay raw sila ni Kris.

Ang narinig lang namin, nagkita sila sa isang dinner at magkatabi pa raw sila ng upuan.

Samantala, muling kinumpirma ng manager ng Magic 89.9 na si Andrew Santiago na mananatili sa kanilang istas­yon si Grace, at pinag-uusapan lang daw kung anong programa ang ihu-host nito.

Abangan sa Startalk ang kuwentong ito na kung saan nakunan ang huling salang ni Grace sa radio program nila ni DJ Mo.




Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search