Monday, March 12, 2012

BB Gandanghari, bagong artista ng TV5 ?

Tahimik na bumalik ng Pilipinas si BB Gandanghari at nalaman lang ang pag-uwi niya dahil sa announcement sa Twitter ng kanyang hipag na si Mariel Rodriguez.

Ang say ni Mariel, aapir si BB sa isang malaking TV pro­ject. Nakakundisyon na rin ang utak ni Mrs. Padilla na girl si BB dahil she and her ang ginagamit niya kapag napag-uusapan ang ex-kuya ng kanyang mister na si Robin Padilla.

Hindi ako nag-wonder nang bumalik sa Pilipinas si BB dahil there’s no place like home. Matagal na namalagi at nagtrabaho sa New York si BB at imposible na hindi niya na-realize na it’s so much fun in the Philippines.

’Di hamak na mas malaki ang kinikita ni BB sa pag-aartista kesa kanyang behind the scene work sa isang bar/restaurant sa New York.

May mga naghuhula sa TV network na nag-hire kay BB at ang duda nila, baka ang TV5 ang nagpauwi kay BB sa Pilipinas dahil ang Kapatid Network ang nagpauwi at nagbigay ng mga TV assignment kina Alice Dixson, Leandro Muñoz, at G Toengi.

SOURCE: Pilipino Star Ngayon

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search