Tuesday, February 14, 2012

Edu Manzano at Shalani Soledad magiging host ng noontime show ng TV5

Bukas ang big trade-launch ng TV5 para sa mga bago nilang shows.
Bukod sa Felina: Prinsesa ng Mga Pusa, Isang Dakot na Luha at Sharon, ilo-launch din bukas ang noontime show na iho-host ni Edu Manzano.

Kasama ni Edu sa noontime show na ‘yon si Shalani Soledad-Romulo at kinumpirma ng manager niyang si Manay Lolit Solis na darating bukas sa NBC Tent ang TV host/politician para sa event na ‘yon.

Dapat nang i-expect ni Shalani ang mga tanong o pang-iintriga sa kanya bukas tungkol sa pagkawala niya sa show ni Willie Revillame.

Marami ang gustong usi­sain si Shalani tungkol sa balitang umiyak siya nang sabihang hindi na siya kasali sa Wil Time BigTime.

source: abante-tonite

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search