Tuesday, February 14, 2012

Chris Tiu loyal sa Smart Gilas

NAGPAPAKATOTOO lang si Chris Tiu sa pagsasabi na loyal siya sa Smart Gilas. Kahit pa ang mga kasamahan niyang player dito ay isa-isa nang umalis, pinaninindigan nitong manatili siya sa koponan na sponsor ng TV5 big boss Manny V. Pangilinan.

Ani Chris: “Gusto ko lang maglaro na dinadala ang bandila ng Pilipinas. Gusto kong maging basketball player ng bansa.”

Kaya naman kahit anong hirap na mag-training at sumali sa iba’t ibang international tournament ay hindi niya iniinda alang-alang sa bayan.

Nakausap namin nang masinsinan si Chris sa taping niya ng bagong programa ng TV5, ang “Toink! Sino Ang Tama?,” na isang hilarious game show na siya ang host at kasama niya ang Kapatid star na si Alex Gonzaga.
Ang Toink ay co-prod ng TV5 at ni KB Entertainment boss Ms. Kitchie Benedicto na nagsisimulang i-air last Sunday, (Feb.12) 2:00 to 2:30 p.m. pagkatapos ng Wow Mali ni Joey de Leon. Kasama sa programa sina Gene Padilla at Pretty Trizsa. Sina Gene at Trisha ang mag-iikot sa iba’t ibang lugar para sa trivia question na sasagutin ng contestants na ang sagot ay mag-mumula sa mga field interview.


Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search