Saturday, January 28, 2012

Prince Stefan,tinawanan ang Gay Marriage sa NY


AGOSTO 2011 nang unang mabalita ang diumano’y planong pagpapakasal ng Starstruck alumnus na si Prince Stefan sa alleged homose­xual partner niya in the United States.
Itinanggi ito ng young actor at pinagtawanan ang mga tsismis tungkol sa kanyang sekswalidad.

Recently though, na­ging subject na naman ng blind items si Prince on the same subject.

Ilang concerned friends at followers ang nagparating sa kanya ng tsika. He is currently in California but was in New York nang muling kumalat ang intriga.

Diretsahan niyang nilinaw ang isyu. Ayon kay Prince, “My marriage in New York City? So funny. Tsismis talaga. Ang bata ko pa para magpa­kasal.

“Halatang imbento lang. Baka bonding with my family ang dapat na article sa akin.”
Upang patunayang mga close relatives at hindi gay lover ang kasama niya sa Amerika, nagpadala ng mga larawan si Prince sa Startalk.

Mapapanood ang kuwento ngayong hapon sa nasabing talk show.

Sa Marso pla­nong bumalik ng Pilipinas ni Prince. Hindi ko lang alam kung may babalikan pa siyang career.

Teka, nagkaroon ba?

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search