Mukhang hindi desisyon ng ABS-CBN ang pagpapalit ng format ng Sunday show ni Vice Ganda kundi ni Vice na mismo. Pagod na raw yata ito sa pagpapatawa kaya ang gusto naman niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang pagkanta.
Huling Linggo na ng Gandang Gabi Vice sa Linggo (Jan. 22). Pagkatapos nito, ibang format na. Tanging si Vice lamang ang mare-retain, ang lahat ng tungkol sa show ay mapapalitan kasama na ang titulo nito.
Mukhang maraming palabas ng Dos ang magbabago. Ang Happy Yipee Yehey ay una nang nabalitang ire-reformat. Pero, ang huling balita naman ay mawawala na talaga ito at sa halip, sa slot nito ilalagay ang It’s Showtime na mula’t simula hanggang sa ngayon ay ganun pa rin kalakas ang rating.
Hindi naman kataka-taka kung marami man ang tumatangkilik ng Showtime. Kahit pa sabihing may pagka-Pilipinas Got Talent.Pawang mga dance groups ang sumasali rito, mga grupo ng mga amateur dancers na puwedeng- puwedeng sumali at manalo sa PGT pero talagang pinangangatawanan ang pagsali sa programang nagtatampok sa napakaraming hosts and judges. Walang manonood ang magsasabing hindi magagaling ang mga sumasali sa It’s Showtime, ang kailangan lamang ay pagsulong sa mga winners para magsilbing attraksiyon ng palabas. Katulad nang ginawang pag-build up kay Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy at maski na kay Angeline Quinto na nanalo rin sa isang singing contest na isinagawa nila. Kapag nagkaroon ng isa pang singing contest ang Dos ay siguradong dudumugin muli, if only to equal if not duplicate Angeline’s success.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!