Monday, November 21, 2011

ON TABLOID: Venus Raj ayaw iwan ang Kapamilya Network




Hindi lang pala mga malalaking artista ang pinipirata. Ang 4th runner-up sa Miss Universe dalawang taon na ang nakararaan na si Venus Raj ay umaming pinag-iinteresan din ng mga kalaban tuwing umaga.

Hindi naniniwala ang beauty queen na kinukuha siya dahil sa galing niya kundi dahil kilala na siya. Mula sa pagiging isang beauty queen ay nagawa na niyang maipamalas ang kanyang talent sa paghu-host sa TV.

“Nagsisimula nang tanggapin ang mga beauty queens sa TV, hindi lang para mag-host kundi para mag-artista rin. Open ako sa ganitong posibilidad pero ayaw kong iwan ang ABS-CBN. Masaya ako rito at itinuturing nila akong talagang Kapamilya na,” sabi ni Venus.

Bukod sa kanyang trabaho sa TV, nahirang din si Venus na maging kinatawan ng Poor Children’s Rights and Welfare. Nag-volunteer din siya sa World Hunger Relief para makalikom ng pondo na magagamit para mabawasan ang gutom at malnutrisyon sa mundo.

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search