Friday, October 28, 2011

'Comedy Bar' Bids Goodbye: Mga Speculations Kung Bakit Ito Mawawala Alamin!


Mamaalam na  sa telebisyon ang 'Comedy Bar' ng GMA-7 which is hosted by Allan K and Eugene Domingo. Ayon sa PEP, ay nag-last taping na sina Allan K at Eugene Domingo kagabi. At ang show daw ni Iza Calzado ang mag-ooccupy sa timeslot na maiiwan ng 'Comedy Bar'.

Naging maganda naman ang mga ratings na natamo ng comedy show na ito ng Kapuso Network sa Mega Manila ayon sa AGB Nielsen Phils. ngunit iba ang naging kapalaran nito sa National ratings kung saan patuloy pa rin ang pamamayagpag ng 'Banana Split' ng Kapamilya Network

Kaya we have speculations kung bakit ito matatanggal sa ere.


1. Ang goal ng GMA-7 ngayon ay Nationwide Domination. Kaya ang mga palabas na walang hatak sa National Viewers ay may possibility na mawala sa ere.

2. Isinasaayos ng Kapuso Network ngayon ang kanilang Saturday at Sunday line-up shows dahil ito ang mga pinakamahina nilang araw sa buong linggo. Kung matatandaan ninyo, may instances pa nga na naging 3rd lang ang GMA-7 sa whole day ratings ayon pa mismo sa AGB Nielsen Phils (read the story here) . kung saan sila naka-subscribe.

3. Kahit na madalas manalo ang 'Comedy Bar' versus sa mga katapat nitong palabas ay mahina naman ang hatak nito sa mga advertisers. Dahil ayon sa monitoring ng mga ad spots, mas madami ang ads ng nakukuha ng 'Banana Split' versus 'Comedy Bar'.


For more updates FOLLOW us on @pinoyTVpolice and LIKE us on Pinoy TV Police Facebook Page

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search