Thursday, September 1, 2011

SCOOPS: Willie Revillame nagtatampo kay Lito Camo?


Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal ay may tampo si Willie Revillame kay Lito Camo dahil sa pag-compose ng bagong kanta ng huli para kantahin ng ABS-CBN Noontime show hosts na sina Randy Santiago, John Estrada at Rico Puno. Ang title ng kanta ay "Na Na Na" na kinakanta sa noontime show ng ABS-CBN na "Happy Yipee Yehey!"

Ang paliwanag ni Lito Camo ay siya ay contract composer ng ABS-CBN kaya wala siyang say na tumanggi sa kung ano mang gustong ipaggawa sa kanyang kanta ng ABS-CBN dahil nga binabayaran siya nito at malaki ang utang na loob niya sa tv network.

Dagdag pa ni Mr. Camo, Hindi niya daw kinompose ang kanta para awayin si Willie Revillame dahil ang turing niya daw kay Willie ay isang mas matandaang kapatid.

May mensahe pa si Lito Camo kay Willie Revillame na sana daw ay 'wag kalimutan ni Revillame na isa siya sa mga naging totoong kaibigan ng Wiltime Bigtime Host. At sana raw ay matuto itong magpatawad sa mga taong sa tingin niya ay sinagasaan at sinaktan siya. Dahil maikli lang daw ang buhay.




No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search