Friday, August 5, 2011

Mga kapamilya Stars insecure sa Bagong Darna na si Jessy Mendiola?



Naisulat ko na rito kamakailan ang diumano na pagkapili kay Jessy Mendiola ng ABS-CBN Management para gumanap na Darna. At ngayon nga ay medyo kalat na ang balita na siya ang bagong Darna. Read the article written by Peter S. Ledesma.

DAHIL karamihan sa rights ng mga classic na nobela ni late Mars Ravelo ay nasa ABS-CBN na, natural lang na kasama roon ang isa sa pinakasikat na novel ni Tito Mars na Pinay hero na si Darna.
Ang choice raw ng Kapamilya network na magbida rito ay walang iba kundi si Jessy Mendiola na nagbida na rin noon sa “Sabel.” Naku! Kapag kay Jessy talaga napunta ang said project tiyak na kaiinsekyuran siya ng mga kapuwa Kapamilya youngstar lalo na ‘yung mga mas senior pa sa kanya like Bea Alonzo, Anne Curtis, Kim Chiu, Erich Gonzales etc.

Pero, kung ‘yun talaga ang magiging desisyon ng management, aba’y nakitaan siguro nila ng “K” ang tisay na young actress kaya sa kanya ibinigay ang project.At dahil pre-sold na ang fantaseryeng ito ay tiyak na ito na ang magbibigay ng stardom kay Jessy.
Samantala, tungkol naman sa isyung pinag-aagawan siya (Jessy) nina Gerald Anderson at isang guwapo at matangkad na member ng Azkals Team, parehong itinanggi ng magandang young actress ang dalawa.
Si Gerald daw ay friends lang sila at magkasama ngayon sa isang proyekto samantalang hindi pa naman daw nito nami-meet in person ang ini-lilink sa kanyang miyembro ng Azkals. Loud and clear gyud!

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search