Isang linggo ko na ngang itinitweet sa aking Twitter account na @byxspeaks na kumpirmadong eere this year ang Pinoy version ng isang hit international soap opera, marami ang nagtatanong kung ano ba ito. Dahil may basbas na ako na ibahagi ang impormasyong ito, it's time to reveal.
Ilang taon na ang nakaraan nang mapabalitang nakuha ng ABS-CBN ang rights ng 'Maria Mercedes' pero last year lalong umingay ang balitang ito nang lumabas ang usapan na eere ito last year pero yun nga hinde ito natuloy. Kumpirmadong eere ngayong taon ang Pinoy version nito sa ABS-CBN at sa katunayan nga ay may nagaganap ng auditions.
Ang 'Maria Mercedes' ay ang unang bahagi ng 'Maria' telenovela trilogy na sinundan ng 'Maria la del Barrio'& 'Marimar' na lahat ay pinagbidahan ni Thalia. 20 taon na ang lumipas mula ng una itong mapanood sa Mexico.
Ang soap opera na ito ay tungkol sa isang mahirap ngunit masipag at magandang dalagang si Maria Mercedes na nagbebenta ng bulaklak at sweepstakes tickets. Inabandona siya at ang kanyang mga kapatid ng kanyang ina habang lasenggero at palamuning baboy naman ang kanyang ama. Gaya ng maraming Mexiconovela siya ay iibig sa isang mayaman na lalake.
Gaya ng sabi ko nagsimula na ang auditions para sa ilang characters ng bagong Kapamilya teleserye na malapit ng umere. Sa ngayon, ang Pinoy production ay naghahanap ng mga mestiso at mestisang batang lalake at babae na may edad 8-12 taong gulang. Just tweet me if may kakilala kang interesado na mapasama sa teleseryeng ito.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!